^

Metro

Dahil sa Boston bombing: Fun run bawal muna -- MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbawalan muna ng Metropolitan Manila De­ve­lop­ment Authority (MMDA) ang pagdaraos ng “fun run o marathon” ngayong Linggo bilang ba­ hagi ng pagtiyak sa seguridad ng publiko kasunod ng naganap na pag­­sabog sa Boston sa Estados Unidos.

Sinabi ni Vincent Lizada, ng MMDA-Metrobase, hindi muna sila nag-isyu ng permit sa anumang uri ng fun run, marathon o ka­halintulad na aktibidad para ngayong linggo sa pangamba na magaya rin sa Pilipinas ang nangyari sa Estados Unidos o kaya ay may masasamang-loob na gumaya nito.

Iginiit nito na mas ma­buti na umanong nag-i­ingat ang awtoridad kaysa sa masyadong relaks at malulusutan ng mga terorista.

Hindi naman binanggit ng MMDA kung magpapatuloy ang hindi nila pagbibigay ng permit tuwing Linggo ngunit tiniyak nito na pansamantala, nga­­yong Linggo muna walang ilalabas silang permit.

Una nang nanawagan ang ahensya sa mga orga­nizers ng mga fun run at ma­rathons at sa Philippine National Police (PNP) sa paghahanda ng “security plans” at pagkuha ng permit muna bago magsagawa ng fun runs sa Kamaynilaan.

Usong-uso ngayon ang mga “fun runs at mini-marathons” na dinu­dumog ng libo-libong local at maging mga dayuhang “running enthu­siasts”.

ESTADOS UNIDOS

IGINIIT

KAMAYNILAAN

LINGGO

METROBASE

METROPOLITAN MANILA DE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

VINCENT LIZADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with