Ginang na tumangay ng paslit, huli
MANILA, Philippines - Nakapiit sa Tayuman-Police Community Precinct ng Manila Police District ang isang 50-anyos na babaeng nagtangkang tumangay ng isang 3-taong gulang na batang babae, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Manila Police District (MPD) officer-in- charge P/Sr. Supt. Robert Po, ang suspect na si PuriÂficacion Gozon, na unang sinita at inaresto ng mga barangay tanod dahil sa mahigpit na paghawak sa bikÂtimang itinago sa pangalang “Neneâ€, habang umiiyak ito.
Sinabi ni Po na habang may pasyente ang dentistang ina ng biktima, hindi namalayan na nakalabas ang bata at nakatawid sa kabilang kalsada.
Nang makita umano ng ilang residente ang pamimilit ng suspect na isama ang bata kahit umiiyak ay isinumbong sa tanod na siyang umaresto sa suspect.
Habang iniimbestigahan, napansin sa suspect na tatlong patong ang suot na damit nito at umaasta umanong baliw kaya sinabi ni Po na ipasusuri nila sa National Center for Mental Health (NCMH) ang suspect upang matukoy kung may sakit sa pag-iisip.
Sakaling walang sakit, isasailalim sa inquest proceedings para sa kasong kidnapping.
Duda ang pulisya na umaarte umano ang suspect at posibleng ang pagsusuot ng patung-patong na damit ay modus upang hubarin ang sa ibabaw sakaling may matangay at hindi siya makilala.
- Latest