^

Metro

MPD hindi makikisali sa pulitika sa Maynila – Po

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi makikisali at didistansiya ang  Manila Police District sa pulitika sa lungsod ng Maynila.

Ito naman ang  tiniyak ni MPD Officer in Charge Senior Supt. Robert  G.  Po, sa kanyang pagdalo sa Balitaan sa Tinapayan kahapon.

Ayon kay Po,  mananatiling apolitical ang pulisya kung saan didistansiya sila  sa mga kandidatong  tumatakbo ngayong halalan at pipilitin nilang huwag makialam.

“Kami naman ay dapat 50 meters away sa area, pipilitin naming  dumistansiya sa kanila,” ani Po.

Sinabi ni Po na  nagpalabas ng direktiba si NCRPO Director, Chief Supt. Leonardo Espina na nag-aatas sa kanya at sa lahat ng station commanders sa Maynila na huwag silang makikisawsaw sa pulitika.

“Kung may violation ang kandidato, dapat tingnan munang mabuti kung may basehan para hindi makasuhan ng electioneering ang isang pulis”, pahayag  ng incoming MPD director.

Tinagubilin din aniya ni Espina na bilang officer in charge ng MPD ay hindi siya maaaring magsagawa ng re-shuffle subalit  maaari naman siyang magrekomenda  kung kailangang sibakin o tanggalin sa puwesto ang kanyang mga nasasakupan.

Tiniyak ni Po na gagawin niya ang kanyang makakaya para mabigyan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ng MPD.

 

AYON

BALITAAN

CHARGE SENIOR SUPT

CHIEF SUPT

ESPINA

LEONARDO ESPINA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with