^

Metro

Holdaper na riding-in-tandem, timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa sa tatlong kalalakihan na naka-motorcycle riding in tandem ang arestado ng pulisya matapos nilang holdapin ang  isang UV-Express van kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police ang suspect na si Reiner Magbantay, 26, binata, nakatira sa Bilibid Viejo St., Quiapo, Manila.

Samantala, pinaghahanap pa ng pulisya ang dalawang kasamahan nito at inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Ayon  sa report ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa south bound ng EDSA-Kalayaan Flyover ng naturang lungsod.

Nabatid na ang tatlong suspect ay magka­kaangkas sa isang motorsiklo at nakabuntot sila sa isang UV-Express van na may plakang TXX-142.

Kaagad nilang tinutukan ang driver at ang mga pasahero at nagdeklara ng hold-up  at pagkatapos na maisagawa  ang krimen ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect.

Tiyempo namang nagsasagawa ng ope­ration ang mga kagawad ng Makati City ay namataan nila ang mga kahina-hinalang kilos ng mga suspect.

Kaagad na nagduda ang mga pulis at sinita nila ang mga suspect dahil ang naturang lugar ay talamak ang nagaganap na holdapan.

Subalit ang nadakip lamang ay si Magbantay at nakatakas ang dalawa at nalaman nga na ito ay kasama sa panghoholdap sa isang UV-Express van.

 

vuukle comment

AYON

BILIBID VIEJO ST.

ISA

KAAGAD

KALAYAAN FLYOVER

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

REINER MAGBANTAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with