^

Metro

Hindi sinipot ng nobyo, bebot nagwala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng isang 22-anyos na babae makaraang magwala sa loob ng isang taxi at hampasin ng stereo­ sa ulo ang tsuper matapos na hindi umano siputin ng nobyo­ nito sa tagpuan nilang motel, kahapon ng umaga­ sa Pasay City.

Nahaharap ngayon sa kasong physical injuries at damage to pro­perties ang suspek na nakilalang si Julie Ann Jandusay, ng Patinio St., Malibay, ng naturang lungsod.

Inireklamo ito ng taxi driver na si Celso delos Santos, ng Poblacion, Tanza, Cavite makaraang mawasak ang ilang gamit sa loob ng kanyang sasakyan at magtamo ng bukol sa ulo.

Sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-8 ng umaga nang mag-isang magtungo sa Halina Hotel sa may FB Harrison St. si Jandusay.  Nang tanungin ng tauhan ng motel, sinabi nito na may hinihintay lamang siya.

Ilang oras na uma­nong naghihintay si Jandusay nang mainip ito ay nagpatawag na lamang ng taxi kay Joseph Cabi­ngan, empleyado ng motel­. Sa loob ng taxi, sinabi ni Delos Santos na bigla na lamang nagwala ang babae, pinagbabaklas ang mga gamit sa loob ng sasakyan kabilang na ang stereo at ang metro at inihampas sa ulo ng tsuper.

Ibinalik naman ni Delos Santos ang babae sa naturang motel kung saan patuloy itong nagwala.  Rumesponde naman ang mga barangay tanod sa lugar na siyang humuli sa babae at isinuko sa pulisya.

 

DELOS SANTOS

HALINA HOTEL

HARRISON ST.

JANDUSAY

JOSEPH CABI

JULIE ANN JANDUSAY

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PATINIO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with