^

Metro

Engrandeng streetparty sa Aliwan Fiesta

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magsasanib-puwersa ang mga lungsod ng Maynila at Pasay upang itanghal ang malawakang streetparty sa Aliwan Fiesta, na gaganapin mula ika-11 hanggang ika-13 ng Abril, sa ilalim ng Manila Broadcasting Company, Star City, Department of Tourism, at Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Ang taunang kapistahan ay sisimulan ng Pasakalye sa Sotto Street, kaharap ng Aliw Theater.  Dito magtatanghal ang bandang Aegis at ang mga YouTube sensations na sina  Kimpoy, Jamich, Chicser, Jireh Lim, and Moymoy Palaboy. Maglalaban-laban naman ang naggagandahang dilag mula sa iba’t ibang lalawigan para sa korona ng Reyna ng Aliwan. Sa Huwebes din gaganapin ang festival costume competition sa front lawn ng CCP, and sa ika-12 naman ang pageant night sa outdoor stage ng Aliw theater.  Si Zoren Legaspi ang host kasama ang 2013 Miss Tourism International na si Rizzini Alexis Gomez – dating tinanghal na Reyna ng Aliwan noong 2010.  Aawit naman sina JM Guzman at Luke Mejares. Ang malaking paradang magtatampok sa iba’tibang kapistahan mula hilaga hanggang katimugan ng bansa ay gaganapin sa Sabado, ika-13 ng Abril, mula Quirino Grandstand at babaybayin ang Roxas Boulevard patungong Star City kung saan gaganapin ang mismong streetdance at float competition.  Isang milyon ang nakalaan sa magwawa­ging festival street­dancers, at kalahating milyon naman sa float design. Sina Chris Tsuper at Kristine Dera ng 90.7 Love Radio  ang magiging emcee ng programa, na tatampukan ng The Dawn kasama si Cooky Chua.  Magbibigay din ng ilang awitin sina Bryan Termulo, Jovit Baldivino, at Andrew E.

 

ABRIL

ALIW THEATER

ALIWAN

ALIWAN FIESTA

ANDREW E

BRYAN TERMULO

COOKY CHUA

STAR CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->