Life imprisonment sa child trafficker
MANILA, Philippines - Habambuhay na pagÂkaÂbilanggo ang ipinataw ng Manila Regional Trial Court laban sa isang akuÂsado na sangkot sa kasong trafficking and commercial sexual exploitation of minors.
Sa desisyon ni Judge Roberto P. Quiroz ng MaÂÂnila RTC Branch 29, napatunayang nagkasala sa kasong qualified trafficking, o paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act (R.A. 9208) ang akusadong si Sonny Francisco.
Nag-ugat ang kaso kay Francisco nang hiÂmukin nito ang magkapatid na menor de edad mula sa lalawigan ng SaÂmar (isang nagkakaedad ng 12 at isa ang 15) noong 2007 na sumama patungong Maynila.
Nabatid na niloko ng akusado ang magkapatid na umano ay makikipagkita sa kanilang kaibigan sa lungsod subalit sa halip ay sa bahay mismo ni Francisco dinala ang mga biktima kasama ang iba pang kabataan. Sa rekord ng korte, ibinenta ni Francisco at ng kanyang misis ang mga menor de edad kapalit ang pakikipagtalik sa mga lalaki.
Ang mga biktima ay sinasamahan umano sa hotel ng akusado kung saan sila ay puwersahang pinakiÂkipagtalik sa mga kliyente habang ang mag-asawang Francisco ay naghihintay sa lobby ng hotel.
Nailigtas ang mga biktima sa pamamagitan ng pakikiisa ng kanilang ina at ng magkakasanib na puwersa ng Manila Police Department (MPD), Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Samar at National Capital Region (NCR).
- Latest
- Trending



















