^

Metro

Miyembro ng bolt cutter gang, bulagta sa shootout

Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang hinihinalang miyembro ng kilabot na bolt cutter gang ang nasawi,  habang dalawang kasamahan nito ang nadakip matapos na maka-engkuwentro ang mga pulis sa Pasig City na umabot pa sa Mun­tinlupa City. Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi na si Rodel Margallo Dela Torre, 23, residente ng Bigte, Norzagaray, Bulacan.

Ang mga naaresto na­man ay nakilalang sina Silvio Janiola, 45, ng Bun­ tong Kamamanang, Cagayan De Oro at si Rodelio Santiago, 42, ng Pier 2, Moriones St., Tondo, Manila. Nabatid na dakong alas-3:30 ng mada­ling-araw nang maganap ang engkuwentro. Nauna rito, isang witness ang nakakita sa mga suspek sa aktong binubuksan ga­­mit ang bolt cutter ang padlock ng Cubea Internet Café na nasa Pasig Boulevard Extension, Brgy.  Caniogan, Pasig City.

May dala pa umanong isang kulay green na Nissan Vanette (UDM-934) ang mga suspek na naka­parada sa mismong tapat ng nasabing computer shop. Kaagad namang nagsumbong sa pulisya na agad na nagresponde. Gayunman, natunugan umano ng mga suspek ang pagdating ng mga awtoridad kaya’t ma­bilis na nagsitakas ang mga ito sakay ng van habang humingi naman ng back up sa EPD ang mga pulis para sa isinagawang hot pursuit operation.

Umabot ang habulan sa tapat ng Mother Mary of God’s Child sa Ba­yanan, Muntinlupa City kung saan  pinasusuko ng mga awtoridad ang mga suspek subalit sa  halip sumuko ay nagpa­putok ng baril dahi­lan para gumanti ang mga pulis na ikinasawi ng isa sa mga suspect at pagkaaresto sa dala­wang kasamahan nito.

Narekober sa mga suspek ang dalawang .38 caliber revolver at isang .22 caliber revolver at ilang bala, gayundin ang isang bolt cutter na may markang CAP 100 sa loob ng Nissan Vanette na sasakyan ng mga suspek.

CAGAYAN DE ORO

CUBEA INTERNET CAF

MORIONES ST.

MOTHER MARY OF GOD

MUNTINLUPA CITY

NISSAN VANETTE

PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with