^

Metro

Paslit dinukot sa QC

Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagsasagawa na ng imbestigasyon ng Quezon City Police District sa ulat na pagdukot sa isang taong gulang na batang lalaki sa isang barangay sa lungsod Quezon.

Nakilala ang biktima na si Lovelio Mendoza, Jr., ng  No. 33 Block A Sto. Nino St., Brgy. San Antonio, sa lungsod.

Sabi ni Sanchez, ang pagdukot ay inireport lamang sa kanila ng tatay nito na si Lovelio Sr., sa Station 2 kahapon ng ma­daling araw.

Nabatid na ang pagdukot sa bata ay nangyari malapit sa bahay ng biktima ganap na alas-10 Martes ng umaga.

Base sa inisyal na re­port, nagpunta umano ang bata at nanay nito sa tindahan. Pero habang nasa tindahan, ayon pa kay Sanchez, iniwan­ pan­­ sa­mantala ang bata ng kanyang nanay, pero  pagkabalik ng huli ay na­wawala na ito. Mag­hapon umanong hinanap ng nanay ang bata sa buong paligid subalit hindi na ito nakita pa.

Isang Rolly Plaza ang nagsabi sa pulisya na isang hindi nakikilalang lalaki ang nakitang bitbit ang bata sa may San Jose covered court.

Ilang sandali ay isi­nakay ng nasabing lalaki ang bata sa isang tricycle at umalis sa lugar.

BLOCK A STO

ISANG ROLLY PLAZA

LOVELIO MENDOZA

LOVELIO SR.

NINO ST.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SAN ANTONIO

SAN JOSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with