^

Metro

Mister pinatay ni misis, dahil sa P10

Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang 32-anyos na jeepney driver nang saksakin ng kanyang  buntis  na misis matapos magtalo dahil lamang sa P10 at mauwi sa pananakit ng una sa huli   sa  Quiapo, Maynila, kamakalawa ng umaga.

Dead-on-arrival sa Mary Chiles Hospital si Leopoldo Tioson ng  Fra­ternal St., Quiapo, May­nila, sanhi ng sak­sak sa kanang bahagi ng hita.

Sumuko naman ang suspect na nakilalang   si Nel Jessa Nivera, 20.

Sa ulat ni PO1 Anthony Boncan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas- 10:30 ng umaga nang maganap  ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Nabatid na nanghihingi ng halagang P10 ang mister sa suspect para ipambili ng ihahalo sa ulam subalit nagalit umano ang babae at si­ nabihan ang mister na “P10 lang hindi ka makaisip ng paraan”. Na­uwi ito sa mainitang pag­­tatalo hanggang sa saktan na umano ng bik­tima ang suspect kaya nagdilim ang paningin ng huli at nang mahawakan ang kutsilyo ay inundayan ng saksak ang mister.

Nakalabas pa umano ng bahay ang biktima at humingi ng tulong sa mga kapitbahay kaya naisugod pa ito sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival dahil tumagos ang saksak sa hita sa pantog nito.

Nabatid na ang misis ay limang buwang buntis at may anak na dalawa, isang 2 at 3-anyos.

Inamin din ng sus­pect na mahilig uma­nong manakit ang biktima kahit sa maliit na bagay lamang.

ANTHONY BONCAN

INAMIN

LEOPOLDO TIOSON

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY CHILES HOSPITAL

NABATID

NEL JESSA NIVERA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with