^

Metro

Oil companies nagdagdag-bawas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis sa bansa kahapon.

Dakong alas-6 ng umaga, sunud-sunod na nagtapyas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang Petron, Shell, Total Philippines.  Nasa P3 kada kilo o P33 sa 11-kilong tangke ang itinapyas ng mga ito.  Tinapyasan rin ng Petron ang presyo ng kanilang Auto LPG ng P1.88 kada litro.

Kahapon din, nagtapyas ang LPG Marketers Association (LPGMA) ng P1 kada kilo o P11 sa isang tangke ng kanilang mga produkto.

Sa kabila nito, itinaas naman ng Petron, Pilipinas Shell, Chevron at Total Philippines ang presyo ng kanilang premium gasoline ng P.35 sentimos kada litro. Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene.

Ayon kay Raffy Ledesma, strategic communication manager ng Petron Philipines, ang pagsirit muli ng presyo ng mga produkto ay bunsod ng pagtaas ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

AYON

DAKONG

KAHAPON

MARKETERS ASSOCIATION

NAGPATUPAD

PETRON

PETRON PHILIPINES

PILIPINAS SHELL

RAFFY LEDESMA

TOTAL PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with