^

Metro

Matapos manapak ng parak ex-PBA import na si Cornley, nagpiyansa

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang halos anim na araw na pagka­kakulong dahil sa pana­nakit ng isang pulis at pagwawala sa himpilan ng pulisya, nakalaya na ang Amerikanong basketball player na si Jamelle Cornley kamakalawa ng gabi.

Si Cornley na nakulong noong Miyerkules Santo ay pansamantalang nakalaya matapos na makapag-piyansa ng halagang P14,000.

Isinalang sa inquest proceedings si Cornley noong Miyerkules ng gabi dahil sa reklamong alarm and scandal; direct assault; resisting arrest at disobedience to a person in authority.

Inirekomenda ng inquest fiscal ang masu­sing imbestigasyon sa reklamo ng direct assault, pero nirekomenda naman ang pagsasampa sa korte ng dalawa pang kaso laban sa dayuhan.

Ang 6-foot-5-inch-na si Cornley na dating nag­laro bilang import ng team na Rain or Shine sa Philip­pine Basketball Association (PBA)  ay inaresto ng may 10 pulis noong Miyerkules ng umaga­ matapos na upakan si PO2 Anselmo Lazatin.

Si Lazatin at isa pang pulis ay rumesponde sa tawag ng panggugulo sa isang hotel ng Kano sa Timog Avenue matapos na umano’y mawala ang pera nitong $1,500.

 

AMERIKANONG

ANSELMO LAZATIN

BASKETBALL ASSOCIATION

CORNLEY

JAMELLE CORNLEY

MIYERKULES

MIYERKULES SANTO

SI CORNLEY

SI LAZATIN

TIMOG AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with