^

Metro

Saksak ibinayad sa driver ng pedicab

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Saksak ang ibinayad sa isang pedicab driver ng dalawang hindi nakikilalang mga pasahero kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nasa kritikal na kondis­yon at nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Alejandro Jo, 41, ng Brgy. San Rafael Village ng nabanggit na siyudad, sanhi ng tinamong ilang saksak sa katawan.

Ayon sa inisyal na pagsi­siyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa kahabaan ng Vicenta St., ng nabanggit na barangay habang namamasada ang biktima ng kanyang pedicab kung saan sumakay ang dalawang suspect.

Pagsapit sa lugar na pupuntahan ng mga suspect ay siningil ang mga ito ng biktima, subalit  sa  halip na pera ay saksak ang tinugon ng mga suspect sa biktima, dahilan upang isugod ito ng ilang taong nagmamala­sakit sa nabanggit na ospital habang mabilis namang tumakas ang mga suspect.

Patuloy na iniimbestigahan ang nasabing kaso.

vuukle comment

ALEJANDRO JO

AYON

BRGY

NAVOTAS CITY

PAGSAPIT

PATULOY

SAN RAFAEL VILLAGE

TONDO MEDICAL CENTER

VICENTA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with