^

Metro

NSO employee nanginig sa loob ng hotel patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang empleyado ng National Statistics Office (NSO) ang nasawi makaraang atakehin ng panginginig habang nasa loob ng isang hotel kasama ang kanyang boyfriend sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay PO2 Jorge Caculba ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ang biktima na itinago sa pangalang Susan ay nag-check-in  sa 375 Guest Hotel na matatagpuan sa may Aurora Blvd., Cubao, ganap na alas-12:30 ng hatinggabi kasama ang kanyang  boyfriend na si Rolando Pascual, 36.

Sinabi ni  Pascual na 30 minuto na silang naka-check-in sa hotel at nanonood sila ng telebisyon nang tumayo ang biktima at nagpunta sa comfort room saka nag-shower.

Makaraan ang 30 minuto ay lumabas ang biktima sa CR at nakabalot lamang ng towel saka humiga sa kama. 

Dito na umano nakita ni Pascual na nanginginig ang girlfriend, saka nagpasya na siyang tumawag ng taxi at inihatid ang huli sa East Avenue Medical Center para magamot.

Pero makalipas ang alas-5:56 ng hapon ay idineklara rin itong patay ni Dr. Longuito, ang attending physician.

Inaalam pa ang ugat ng pagkamatay ng nasabing biktima.

vuukle comment

AURORA BLVD

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DR. LONGUITO

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GUEST HOTEL

JORGE CACULBA

NATIONAL STATISTICS OFFICE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

ROLANDO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with