^

Metro

Koreano natagpuang patay sa tangke ng tubig

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng pulisya hinggil sa pagkamatay ng  isang Koreano­ na natagpuan sa loob ng  tangke ng  tubig kamakalawa sa Parañaque Cty.

Bukod sa naaagnas na katawan, ang ma­bahong amoy ang na­ging daan upang madiskubre ang bangkay ni  Kim Ji Hun alyas­ “John Kim”, 38, ng  #8V Avida Tower 5, Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Ayon kay  Sr. Supt. Andrei A. Felix, hepe ng Parañaque City Police­, dakong alas-3:00 ng hapon nang matagpuan ng maintenance crew na si Rogelio Mercado ang bangkay ng  biktima sa loob ng water depository­ tank ng Avida Tower 5 sa nabanggit na lugar.

Aayusin sana ni Mercado ang tangke dahil sa kakaibang lasa ng tubig, nang mapansin nito ang uma­alingasaw na mabahong amoy.

Dito niya nadis­kubre ang bangkay ng  dayuhang biktima na nasa loob ng naturang tangke.

Agad na ipinag­bigay-alam ni Mercado sa mga awtoridad ang  insidente at nakilala lamang ang biktima sa pamamagitan ng Pinay na live-in partner nito na si Normelita Taguin.

Ayon pa kay Felix, dakong alas-11:00 na ng gabi nang maiahon ang bangkay ng biktima dahil sa nakaka­sulasok na amoy nito.   

Aalamin ng pulisya kung may foul play sa pagkamatay ng Koreano­ lalo pa’t nakita sa CCTV na nagta­takbo ito bago natagpu­ang patay.

 

ANDREI A

AVIDA TOWER

AYON

CITY POLICE

JOHN KIM

KIM JI HUN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with