^

Metro

Pre-paid collector, hinoldap

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang collector ng mga pre-paid card ang hinoldap ng hindi pa nakikilalang suspect kahapon sa Valenzuela City.

Sa pahayag sa tanggapan ng Valenzuela City Police ng biktimang si Michael Obias, 28, collection agent ng Migavs-Smart,  ng Pacheco St., Brgy. Dalandanan ng na­turang  lungsod, dakong alas-10:20 ng umaga, dala niya ang motorsiklo at papunta sa isang kostumer sa Rosa St.,  Brgy. Gen. T. De Leon nang harangin at tutukan siya  ng baril ng suspect.

Sa isang photo gallery ay nakilala ng biktima ang suspect na si Fernando Villar ng San Vicente St., Brgy. Karuhatan ng nabanggit na  lungsod na kasalukuyan nang pinag­hahanap ng pulisya.

Nabatid na kinuha ng suspect ang dalang bag ng biktima na naglalaman ng P10,000 na nakolekta at  sim card na nagkakahalaga ng P700.

Pinababa sa motorsiklo ang biktima at pina­talikod kung saan nakarinig ng putok ang una na naging dahilan upang kumaripas ito  ng takbo.Tuluyan namang nakatakas ang suspect.

vuukle comment

BRGY

DE LEON

FERNANDO VILLAR

MICHAEL OBIAS

PACHECO ST.

ROSA ST.

SAN VICENTE ST.

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with