^

Metro

2 paslit patay sa swimming pool

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang menor-de- edad na batang babae na pumuslit papasok sa loob ng isang pri­badong swimming pool para maligo ang minalas na masawi makaraang malunod sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay SPO1 Cristituto Zaldarriaga ng  Quezon City Police District, ang mga biktima ay kinilalang sina Rica Mae Catap, 11, mag-aaral sa Pasong Tamo Elemen­tary School; at Ken Natalie Andoy, 12, estud­yante naman ng Culiat Elementary school.

Ang dalawa ay kapwa naninirahan sa iskwater area sa Pingkian-2, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Ayon kay Zaldarriaga, ang pagkalunod ng dalawang bata ay inireport lamang­ sa CIDU Lunes ng gabi, pero nangyari ang insidente ganap na alas-5:30 Linggo ng gabi sa may swimming pool ng bahay ng isang Mariano­ Soriano na matatagpuan sa kahabaan ng Urbano St., Brgy. Pasong Tamo.

Sabi ng mga kasambahay sa pulisya, hindi nila kilala ang mga batang pumasok sa bahay nang maganap ang insidente.

Nalaman ni Zal­darriaga na nang maganap ang insidente sina Catap, Andoy at ilang kaibigan ay pumanhik sa bakod ng bahay ni  Soriano para makapunta sa swimming pool.

Isa sa mga kaibigan ng mga biktima ang nagsabi na isa sa kanila ring kaibigan ang biglang tumulak kay Catap sa pool. Nang makita ni Andoy si Catap na humihingi ng tulong, tinangka niyang iahon ito pero maging siya ay nadala ng tubig.

Dahil dito, nagpasya ang dalawang bata na umuwi at ipagbigay alam sa mga magulang ng mga biktima ang pangyayari­.

Sabi ni Francis Maria­zata, manugang ni Soriano, sa pulisya, nasorpresa na lang sila nang makita ang dalawang bata na nagtatakbo pa­labas ng gate.

Dahil ang dalawang bata ay galing sa swimming pool, nagpasya si  Mariazata na pumunta sa lugar kung saan na­tagpuan nito sina Catap at Andoy na nasa ilalim ng tubig.

Agad na iniahon ni Mariazata ang dalawang bata mula sa pool at saka binigyan ng administered cardiopulmonary resuscitation (CPR). Matapos nito ay itinakbo ang dalawang bata sa Quezon City General Hospital (QQCGH) pero kapwa idineklara ang mga itong dead-on-arrival.

ANDOY

AYON

BRGY

CATAP

CRISTITUTO ZALDARRIAGA

PASONG TAMO

SHY

SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with