Brgy. Commonwealth, nalubog sa baha
MANILA, Philippines - Matapos ang halos isang oras na pagbuhos ng ulan kamakalawa ng gabi, nakaranas ng matinding pagbaha ang Purok Uno, Upper Nawasa, Brgy. Commonwealth sa lungsod Quezon dahilan para mangamba ang mga residente nito.
Pero sa kabila nito, ayon kay Roses Sulam, area monitoring officer ng Brgy. Commonwealth, karamihan sa mga residente ay tumangÂging magsilikas sa halip ay pumanik na lamang sa ikalawang palapag ng kani-kanilang bahay.
Sa pagbuhos ng ulan, ganap na alas -8 kamakalawa ng gabi, bigla rin ang pagtaas ng tubig sa lugar na umabot hanggang anim na talampakan, sabi pa ni Sulam.
Kaya naman marami sa pamilya sa lugar ang naapektuhan hanggang sa tinangkang ilikas ang mga ito para sa kanilang kaligtasan.
Iginiit ng mga residente ang pagbara ng kanilang mga imburnal ang ugat ng nasaÂbing pagbaha, kaya naman alas -8 ng umaga kahapon ay agad na nagtulung-tulong ang barangay at mga residente para tanggalin ang bara dito.
Sabi ni Sulam, partikular na nakuha sa nasabing imburnal ang mga gulong ng sasakyan, gayundin ang mga medical waste na basta na lamang umano itinapon dito.
Pasado ala-1 ng hapon nang humupa ang baha.
- Latest