^

Metro

Paggunita sa Semana Santa, isapuso – Lim

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan si Manila Mayor Alfredo Lim sa mga Manilenyo na  isapuso ang diwa ng Semana Santa at iwasan ang  pag-inom ng alak  na nagiging dahilan ng gulo.

Kasabay nito, inatasan din ni Lim  si Manila Police District (MPD) Director Chief Supt. Alex Gutierrez na magsagawa ng round-the-clock patrol partikular sa gabi upang matiyak  na ligtas ang mga bahay ng mga nagsiuwi sa kanila-kanilang probinsiya.

Maging ang mga ba­rangay officials ay ino­obliga rin na magmonitor sa kanilang mga nasasakupan dahil inaasahan ang pagsalakay ng mga kawatan ngayong holiday.

Aniya, magdada­lawang-isip ang mga akyat-bahay na pasukin ang mga  target na bahay  kung nakikita ng mga ito ang pagpapatrolya ng mga pulis at barangay officials.

Sa kabila nito, payo din ng alkalde na  mga uuwi ng kanilang pro­binsiya na mag-iwan ng isang  bukas na ilaw subalit dapat na  tiya­king  tanggal ang mga   saksakan ng electrical appliances.

Tiniyak naman ni  Gutierrez na sapat ang pulis na  kanilang ipinakalat partikular sa mga simbahan, mall at  parks.

ALEX GUTIERREZ

ANIYA

DIRECTOR CHIEF SUPT

KASABAY

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with