^

Metro

Kelot tinodas sa internet shop

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 22-anyos na lalaki  nang tarakan sa dibdib ng lalaking nakatalukbong ng t-shirt ang mukha  habang ang una ay nag­lalaro sa loob ng internet shop  sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling- araw.

Patay na nang isu­­god sa Ospital ng Tondo ang biktimang si  Kim Charles Flores,  ng Torres Bu­gallon St., Tondo.

Inilarawan naman ang suspect sa edad na  18-22, may taas na 5’3’’ hanggang 5’6’’ at armado ng patalim.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:35 ng ma­daling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng PESO Net Computer shop sa Int., 33 J. Planas St., Tondo.

Nabatid na habang naglalaro ng computer games ang biktima at live-in partner na si Gelyn Edem nang biglang  pumasok ang suspect na  nakasuklob sa mukha ang suot nitong t-shirt at dali-daling lumapit sa biktima at inundayan ng saksak sa dibdib bago mabilis na tumakas.

Isinugod ni Edem ang biktima sa ospital subalit idineklarang dead-on- arrival.

 

vuukle comment

EDEM

GELYN EDEM

INILARAWAN

KIM CHARLES FLORES

NET COMPUTER

PATAY

PLANAS ST.

TORRES BU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with