Dalaga pinalitan agad ng dating nobyo, nagbigti
MANILA, Philippines - Dahil sa labis na sama ng loob makaÂraang maÂlaman na may iba nang nobya ang kanyang daÂting boyfriend, isang daÂlaga ang nagbigti kahapon ng madaling-araw sa MaÂlabon City.
Dead-on-arrival sa PaÂgamutan Bayan ng Malabon si Wendy Ann Francisco, 25, residente ng Naval St., Brgy. BaÂritan ng nasabing lungsod.
Base sa imbestigasÂyon ng Malabon City Police, dakong alas-3:45 ng madaling-araw nang matagpuan ang biktima ng kanyang ama na si Manuel Francisco na nakabigti sa kanilang hagdanan gamit ang nylon cord.
Mabilis na kinalas ng ama sa pagkakabigti ang biktima at dali-daling dinala sa nasabing paÂgamutan, subalit hindi na rin ito umabot ng buhayÂ.
Nabatid na bago ang insidente ay nagkaroon umano ng tampuhan ang biktima at ang boyfriend nitong si Patrick Ramirez, na nauwi sa hiwalayan ilang linggo na ang nakalilipas.
Sinasabing nadisÂkubre ng biktima na may iba nang kasintahan si Ramirez matapos makita sa Facebook ng lalaki na naging dahilan upang labis na sumama ang loob nito.
Nadiskubre rin sa Facebook account ng bikÂtima ang pinadala nitong mensahe kay Ramirez na nakasaad “Pagnaglaslas ka hindi effective kailaÂngan maubusan ka ng blood bago mamatay… try and tested kapag kutÂsilyo ganun din try and tested na… hindi ko pa na-try... But according to research in 4 minutes u might die†at may kasama pang picture nito na may nakatali ng nylon cord.
Masusing iniimbesÂtigahan ng pulisya kung may foul play ang insiÂdente.
- Latest