Hardware tinupok ng apoy
MANILA, Philippines - Tinatayang nasa P3-milyon ang halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy sa sunog na naganap sa isang hardware sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.
Nabatid na ang sunog ay nagsimula dakong alas-10:30 ng gabi sa isang hardware na makikita sa Ortigas Extension, Brgy. Sta. Lucia sa lungsod.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na tumagal ng mahigit sa dalawang oras bago tuluyang naapula.
Nahirapan ang mga kagawad ng pamatay-sunog na patayin ang apoy dahil sa nasunog na pintura at thinner at kinailangan pang gamitan ng foam solution.
Wala namang naiulat na nasaktan o kaya’y nasawi sa nasabing sunog na hindi pa batid ang pinagmulan nito.
- Latest