2 sugatan sa frat war, 2 huli
MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na miyembro ng isang fraternity ang sugatan habang dalawa din sa kalabang gang nito ang naaresto sa isinagawang follow-up operation sa Sampaloc, Maynila.
Ginagamot sa University of Sto. Tomas (UST) Hos pital ang mga biktimang si Juan Martin, 25, ng no. 2835 Benita St., Gagalangin, Tondo na nagtamo ng tama ng bala ng baril at ka-brod nito sa Samahang Ilokano na si Jeffrey Ameril, 22, na tinamaan ng bato sa ulo nang ataÂkehin umano ng mga suspect na sina Harry Jones Guzman, 23, room attendant ng Bayview Hotel, tubong Luna, Apayao at Mark Andrew Perez, 23, 4th year Criminology student ng University of Manila (UM) na kapwa umano miÂyembro ng Tau Gamma fraternity.
Batay sa imbestigasyon, nagpang-abot ang dalawang grupo habang ang mga estudyante ng UM ay papalabas na sa Campus, sa bahagi ng M. Delos Santos, st., Sampaloc dakong alas-6:30 ng gabi noong Biyernes.
Bigla na lamang umanong nambato at nagpaputok ang grupo ng mga suspect hanggang sa magkagulo at tamaan ang mga biktima.
Tinutugis naman umano ang dalawa pang suspect na sina Chester Matias at Gilbert Martin, mga miyembro din umano ng Tau Gamma.
- Latest