^

Metro

QC niragasa ng ipo-ipo: 5 bata sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang bata ang sugatan makaraang bagsakan ng salamin ng isang fastfood chain matapos rumagasa ang isang ipo-ipo kasabay ng pagbuhos ng ulan sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.

Ayon sa inisyal na ulat, ang mga bata ay agad na isinugod sa malapit na ospital dulot ng mga sugat mula sa bubog ng salamin na tumama sa kanilang katawan. Nangyari ang insidente sa may isang sikat na fastfood   na matatagpuan sa Roosevelt, panulukan ng Del Monte ganap na alas- 4:40 ng hapon.

Diumano  nasa loob ng nasabing fast food ang mga biktima at naglalaro,  nang biglang mabasag ang salamin nito at bagsakan ang mga una.

Nang nasabing oras ay tiyempong bumuhos ang malakas na ulan, at biglang umihip umano ang malakas na hangin hanggang sa magkaroon ng ipo-ipo at tumama sa fastfood saka nabasag ang salamin nito.

Dahil dito, tinamaan ang mga biktimang naglalaro  sa loob ng fastfood at dahil duguan ay agad na itinakbo ng mga crew ng fastfood sa Saint Agnes General Hospital para malapatan ng lunas.

Dagdag pa sa ulat, dahil sa mga tinamong sugat ng mga bata, itinakda ang paglilipat sa mga ito sa Capitol Medical Center. 

Samantala, ayon sa ulat ng Pagasa, umulan umano ng yelo sa ilang bahagi ng Quezon City, kasabay ng pagbuhos ng ulan.

Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang tropa ng Police Station 2 ng Quezon City sa nasabing in­sidente.

 

vuukle comment

AYON

CAPITOL MEDICAL CENTER

DAGDAG

DEL MONTE

POLICE STATION

QUEZON CITY

SAINT AGNES GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with