^

Metro

Paslit dinukot sa party

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 5-anyos na batang babae ang dinukot ng hindi pa kilalang lalaki habang abala ang ina nito sa pakikipag-party sa kanilang lugar, sa Sampaloc, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Masusi namang iniimbestigahan ang insidente para sa ikakasang follow-up operation ang mga residente ng lugar kaugnay sa  hitsura ng suspect na isa umanong lalaki na nakitang kausap ng biktimang si “Joanna”. Ang biktima ay nakasuot ng sleeveles na violet, pink na leggings at berde ang tsinelas, bago ito mawala.

Batay sa  closed circuit television (CCTV) footage ng barangay hall, ang biktima ay nakitang pinainom ng juice ng isang lalaki.

Sa reklamo ni Vanessa Lameranes, 30, ng Blumentritt Ext.  Sampaloc, Maynila  kay SPO1 James Poso ng Manila Police District-General Assignment Section, kasama niya sa idinaos na Aerobic party ang anak, na ginanap sa kanilang lugar, sakop  ng Barangay 536, Zone  53, nang maging abala siya at hindi napansin kaagad na nawawala ang anak, dakong alas-8:00 ng gabi.

 

vuukle comment

BATAY

BLUMENTRITT EXT

ISANG

JAMES POSO

JOANNA

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MAYNILA

VANESSA LAMERANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with