^

Metro

Taxi driver, tinodas ng pasahero

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 47-anyos na taxi driver ang patay matapos na barilin ng kanyang  pasahero kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila. 

Kinilala ang biktima na si Gerwin Maribojoc ng Don Bosco, Parañaque City habang inilarawan naman ang suspect na may taas  na 5’4’’-5’5’’,  nakasuot ng  puting t-shirt at maong short pants.

Sa report ni Det. Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-Homicide section, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang natagpuang patay ang biktima sa loob ng kanyang taxi (UVB 804) RYO taxi sa Fajardo St., Sampaloc, Manila.

Ayon  naman kay  Jose Villegas, 60, flowershop decorator, naglalakad siya nang mapansing nagmamadaling lu­mabas sa nasabing taxi ang isang lalaki.

Sa kanyang pagbalik ay napansin nitong nakahinto ang taxi kaya nito nilapitan at tumambad sa kanya ang katawan ng biktima na wala ng buhay at nakalugmok sa kanyang manibela kaya ipinagbigay alam nito kay Bgy. Chairwomen Beth Benigno.

Bagama’t wala namang nawala sa kagamitan ng biktima, hinihinala na nagtalo ang biktima at suspect na humantong sa pagbaril ng huli sa una.

Inaalam pa din ng pulisya ang mo­tibo ng pamamaslang habang nakalagak ang  bangkay sa Arcanghel Funeral.

vuukle comment

ARCANGHEL FUNERAL

CHAIRWOMEN BETH BENIGNO

DON BOSCO

FAJARDO ST.

GERWIN MARIBOJOC

GLENZOR VALLEJO

JOSE VILLEGAS

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with