^

Metro

SSS nakipagsanib sa Caloocan gov’t

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kasapi at ang mga gustong maging miyembro ng Social Security System (SSS) ay nakipagsanib puwersa ang naturang ahensiya kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa ginanap na seminar sa naturang lungsod.

Ayon kay Echiverri, ang naturang seminar na tinawag na “Information and Coverage Drive” ay dinaluhan ng mga day-care workers at mga kasapi ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa buong lungsod.

Isa sa layunin nito ay mahikayat ang mga dumalo na maging miyembro ng SSS bilang paghahanda sa kanilang kinabukasan sakaling magretiro na ang mga ito sa kani-kanilang trabaho.

Ipinaalam din sa mga nagsidalo ang mga bene-pisyo, pribilehiyo at ang pinakabagong impormasyon tungkol sa programa at serbisyo ng SSS na makukuha ng bawat miyembro ng naturang ahensiya.

Katuwang ni Echiverri sa programang ito ang pamunuan ng SSS, Labor and Industrial Relations Office (LIRO) at ang tanggapan ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas Presidente, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri.

Hinikayat din ng pamunuan ng SSS ang mga nagsidalo na ayusin ang status ng kanilang membership nang sa gayon ay hindi magkaroon ng problema ang mga ito sa pagkuha ng kanilang mga benepisyo.

Maging ang mga residente ng lungsod na hindi pa miyembro ng SSS ay hinihikayat din na magpa-miyembro upang mapaghandaan ng mga ito ang kanilang pagreretiro sa kani-kanilang trabaho.

AYON

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

COUNCILOR RICOJUDGE

DRIVERS ASSOCIATION

ECHIVERRI

LABOR AND INDUSTRIAL RELATIONS OFFICE

PILIPINAS PRESIDENTE

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with