^

Metro

Customs official, huli sa ‘kotong

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang opisyal ng Bureau of Customs ( BOC ) ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ( NBI ) sa  isang entrapment operation, matapos mangotong sa paglalabas ng kargamento sa Manila International Container  Terminal (MICT), kahapon ng hapon.

Kinumpirma ni NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda ang pagkakaaresto sa suspect  na si  Rene Palgan, district director ng BOC  na naka-assign sa MICT.

Nangyari ang entrapment operation sa tanggapan nito sa MICT dakong alas- 4:00 ng hapon.

Diumano ay tumanggap si Palgan ng P50,000 para sa pagre-release  ng kargamentong linoleum. Ang operasyon ng NBI na pinangunahan ng Anti-Organized Crime Division ay batay na rin sa sumbong ng broker na si Rose Anne De Luna.

Nasa kustodiya na si Palgan ng NBI,  habang inihahanda ang pagsasalang sa inquest proceedings  ng reklamong direct bribery at paglabag sa anti-graft laws.

 

ANTI-ORGANIZED CRIME DIVISION

BUREAU OF CUSTOMS

DEPUTY DIRECTOR REYNALDO ESMERALDA

DIUMANO

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PALGAN

RENE PALGAN

ROSE ANNE DE LUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with