^

Metro

SeaOil at Flying V nag-rollback

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nagpapatupad ng rolbak ang dalawang independent oil players sa presyo ng langis sa patuloy na pagbaba ng contract price nito sa internasyunal na merkado.

Sa anunsiyo ng SeaOil Phils., dakong alas-12:01 ng Sabado ng madaling-araw nila ipatutupad ang rolbak.  Magkakaltas ito ng P1 kada litro sa premium at unleaded gasoline, P.90 sa kada litro ng diesel, P1 kada litro sa kerosene at P.50 sa kada litro ng regular gasoline.

Ayon kay Abigail Ho, tagapagsalita ng SeaOil, ang naturang rolbak ay ibinase sa galaw ng pro­duktong petrolyo sa internasyunal na merkado na kanilang hinahango.

Kahalintulad na halaga rin ang itatapyas ng Flying V sa kanilang mga produkto epektibo alas-12:01 ng madaling-araw.

Inaasahan naman na susunod sa naturang galaw ang iba pang kompanya ng langis partikular na ang Big 3.

ABIGAIL HO

AYON

FLYING V

INAASAHAN

KADA

KAHALINTULAD

LITRO

MAGKAKALTAS

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with