^

Metro

Bebot utas sa holdap

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi pa kilalang babae na pasahero ng dyip nang pumalag sa nag-iisang holdaper na armado ng kalibre .45 baril sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng ma­daling-araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center  ang biktimang inilarawan sa edad na 20-22-anyos, may taas na 5’2’’, maputi ang balat at mahabang kulay blonde ang buhok dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa ulo.

Tinutugis naman ang hol­daper na inilarawan sa edad na 30-35, may taas na 5’8’’, ka­tam­taman ang katawan at moreno  at armado ng kalibre 45.

Sa report ni SPO1 Jose Gumilan ng Manila Police District-Homicide Section dakong alas- 4:05 ng madaling araw nang maganap  ang insi­dente sa loob ng isang pampasadang dyip  (PUZ 579) na minamaneho ni Domingo Yuson, 50,  habang binabagtas ang panulukan  ng Jose Abad Santos  at Rizal Avenue, Sta Cruz, Maynila.

Nauna rito, sumakay ang biktima at isang Mary Jane Indions, 30, ng Valenzuela City sa R. Papa St., sa mimananehong jeepney ni Yuson sa direk­siyon patungong South bound.

Pagsapit sa nasabing lugar, pumara ang suspect at nagkunwaring  pasahero su­balit hindi pa man nagtatagal ay naglabas ng kalibre 45 at nagdeklara ng holdap at puwer­sahang kinuha ang cash at pera ng ilang pasahero.

Pumalag ang biktima at tumangging ibigay ang hinihingi ng holdaper kaya agad itong pinaputukan sa ulo.

Dahil sa  putok, napatigil sa pagmamaneho ang driver  kaya nagpulasan ang ilang pasahero at sinamantala rin ng suspek ang pagtakas.

Isinugod sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival. Nakuha naman sa biktimang si Indions ang P30,000 cash at  cell phone at tablet na Samsung.

vuukle comment

DOMINGO YUSON

JOSE ABAD SANTOS

JOSE GUMILAN

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY JANE INDIONS

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with