^

Metro

1 patay, 2 sugatan sa dump truck

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa ang nasawi, habang dalawa pa ang nasugatan nang  araruhin ang mga  ito  ng isang  ng dump truck na nawalan ng preno sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si John Paul Sarmiento, 18 ng Santiago St., Brgy. Canumay West ng naturang  lungsod.

Ginagamot naman sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga pinsala sa katawan  ang dalawa pang biktima na sina Feclosa Lucas, 58 at John Wilfred Lucas, 3,  kapwa taga Vientereales ng naturang  lungsod.

Nasa custody naman ng Caloocan City Police ang  driver na si Abner Ortalez, 31 ng Tandang Sora, Quezon City.

Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi habang minamaneho  ni Ortalez ang dump truck (PRT-989) at pagsapit sa palusong na kalsada sa Santiago St., Brgy. Canumay West ng naturang lungsod ay nawalan ito  ng preno dahilan upang araruhin nito  ang isang  SUV Patrol Wagon na dala ni Feclosa at sakay si John Wilfred na naging dahilan upang mapinsala at dalhin ang mga ito sa nabanggit na ospital.

Dumiretso pa ang dump truck hanggang sa masagasaan  ang nasawi na nakatambay sa tabi ng kanilang bahay. Sumuko naman sa mga pulis ang suspek.

vuukle comment

ABNER ORTALEZ

BRGY

CALOOCAN CITY POLICE

CANUMAY WEST

FECLOSA LUCAS

JOHN PAUL SARMIENTO

JOHN WILFRED

JOHN WILFRED LUCAS

SANTIAGO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with