^

Metro

7 miyembro ng fake money syndicate, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaresto ng pulisya ang pitong miyembro ng tinaguriang ‘Daanghari fake money syndicate’ na nagpapakalat ng pekeng pera sa Metro Manila at karatig lalawigan sa isinagawang operasyon ng Pasay City Police, kama­kalawa ng madaling araw.

Kinilala ni Pasay City Police chief Senior Supt. Rodolfo­ Llorca ang mga naarestong suspect na sina Jopee Alvarez, 27, Arne Abordo 45, Ronalyn Melico, 23, Adrian Sta Romana 27, Zoraida Briones, 30, Allan Rivera, 25 at Melvin Rambia, 42 na pawang mga residente ng Taguig City.

Nabatid na may tatlong buwan nang minamanmanan ng mga awtoridad ang grupo na natukoy na patuloy na nagpapakalat ng pekeng pera sa Ilocos Region, Southern Tagalog at ngayon sa National Capital Region (NCR).

Dakong alas-3:30 ng madaling araw nang isang ope­ratiba ang nagpanggap na buyer ng pekeng pera.  Dito na pinaligiran ng mga pulis ang mga suspek sa kanto ng Taft Avenue at Gil Puyat Avenue matapos na magkabayaran na nagresulta sa pagkakadakip sa pito.

Nakumpiska sa mga suspect ang may 80-piraso ng pekeng P1,000 na pinagbibili ng mga suspek sa halagang P300 ang bawa’t isa.

Itinuro ng mga suspect ang lider ng kanilang grupo na isang alyas JR at  Roy na kapwa residente ng Daang Hari sa Taguig City na umano’y nagsu-supply sa kanila ng pekeng salapi na ginagawa umano ng isang trader sa Maharlika Village.

ADRIAN STA ROMANA

ALLAN RIVERA

ARNE ABORDO

DAANG HARI

GIL PUYAT AVENUE

ILOCOS REGION

PASAY CITY POLICE

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with