Junkshop owner patay sa holdap
MANILA, Philippines - Isang junk shop owner ang pinagbabaril at naÂpatay ng tatlong kalaÂlakihan sakay ng isang motorsiklo matapos ang panghoÂholdap sa kanyang establiÂsimento sa Novaliches, Quezon City kahapon.
Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan si Leonilo Marquez, 49, kaÂsunod ang panloloob sa kanyang junkshop sa Reynaldo St., Brgy. NagkakaÂisang Nayon, ganap na alas- 12:30 ng tanghali.
Natangay umano sa biktima ang tinatayang aabot sa P85,000 na pina-withdraw niya sa bangko na pambabayad sana sa mga bibilhing kalalakal.
Tatlong suspect na nangholdap at agad na tumakas sakay ng isang motorsiklo patungong GeÂneral Luis Street.
Sinasabing nagmanman muna ang mga suspect sa lugar, habang hiniÂhintay ang pina-withdraw na pera ng biktima, bago sila sumalakay.
Pagkadating ng tauhan sa junkshop ay agad na iniabot ang pera sa kanilang boss saka pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng kulay asul na t-shirt at maong na pantalon saka narinig ang salitang “Pera! Pera!†bago binaril ang huli ng dalawang beses.
Bumuwal agad sa loob ng shop si Marquez, pero tinangka pang bumaÂngon at habulin ang lalaki at dalawang kasamahan nito na nakasakay agad sa isang motorsiklo pero muling binaril hanggang sa tuÂluyan na itong humandusay.
- Latest