^

Metro

Nightclubs, bar tutukan ng anti-AIDS campaign

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tututukan ng anti-AIDS campaign ng Pasay City ang mga bar at nightclubs laban sa nakakahawang sakit na AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome) at iba pang “sexually transmitted disease (STD)” kung saan ipakakalat  ang mga information materials para sa mga entertainment workers at mga kliyente.

Ayon kay Mayor Antonino Calixto, nilalaman ng mga information materials ang “diagnosis” o pagtukoy sa sakit  at treatment prevention.

Ibinase ang kampanya sa inaprubahang Implementing Rules and Guidelines ng City Ordinance no. 2341 o ang Pasay City Aids Prevention and Control Ordinance.               

Kasabay nito, inatasan din ni  Calixto si City Health Office head Dr. Cesar Encinares na mag-ikot sa lahat ng bars, clubs at maging mga lodging houses at matiyak na nakakabit ang information materials sa loob ng mga establisimiyento.

Kailangang nakadikit ang mga materyales sa mga dressing rooms, comfort rooms, at iba pang parte ng establisimiyento upang ma­bigyan ng impormasyon ang mga entertainment workers at mga kliyente sa panganib na dulot ng STDs.

Naglalaman ang information materials ng mga detalye ukol sa kung paano mahahawa ng mga sakit, prebensyon, mga sanhi, at mga idudulot nito, karaniwang mga sakit na mabilis maihawa, mga maling paniniwala, legal rights ng mga entertainment workers, at mga tulong na maibibigay ng gobyerno.  Sa ilalim ito ng  Republic Act No. 8504 o ang Philippines AIDS and Control Act of 1998.

ACQUIRED IMMUNE DEFICIENCY SYNDROME

CITY HEALTH OFFICE

CITY ORDINANCE

CONTROL ACT

DR. CESAR ENCINARES

IMPLEMENTING RULES AND GUIDELINES

MAYOR ANTONINO CALIXTO

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with