^

Metro

Lolo kritikal sa kuryente

, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ngayon ang isang 64-anyos na lolong maintenance per­sonnel matapos itong makur­yente at mahulog mula sa nili­linisan nitong malaking tangke ng tubig  sa loob ng isang paaralan pinagtratrabahuan nito kahapon sa Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si Eliseo Figueroa, naka­tira sa Area D, Brgy. 174, Camarin ng nabanggit na lungsod, at nagtatrabaho bilang maintenance sa Bagumbong High School, na matatagpuan sa Rainbow Village 5, Brgy. 171, Bagumbong ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng umaga habang naglilinis ng ma­laking tangke ng tubig ang biktima gamit ang isang tubong bakal na napadikit sa isang kawad ng kuryente dahilan upang makuryente ito at mahulog pa sa loob ng tangke.

Dali-dali namang naiahon ng kanyang mga kasamahan sa loob ng tangke ng tubig ang biktima at isinugod sa pagamutan kung saan nasa kritikal siyang kondisyon.

AGAW

AREA D

AYON

BAGUMBONG HIGH SCHOOL

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

ELISEO FIGUEROA

RAINBOW VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with