2 nanloob sa BI, napatay
MANILA, Philippines - Dalawang hinihinalang kawatan ang nabaril at napaÂtay nang looban ang tanggapan ng Bureau of Immigration sa Intramuros, Maynila kamaÂkalawa ng gabi.
Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Glenzor Vallejo ng MPD homicide, alas-11:00 ng gabi nakita ng mga guwardiya na sina Carlos Garcia at Eric David Ducosin ang hindi nakilalang mga suspect na pumasok sa west gate ng tangÂgapan.
Nahuli umano ng dalawang guwardiya ang mga ito sa aktong kinukuha ang compressor na ginagamit sa dental check-up sa bahaging likod ng bureau.
Nang aarestuhin na ay nanlaban umano ang isa sa salarin na bumunot ng panaksak at akmang itatarak kay Garcia kaya kanya itong binaril.
Tinangka namang agawin ng ikalawang suspect ang kalibre 38 reÂvolver ni Garcia ngunit binaril din niya.
Sinabi ni Garcia sa pulisya na ilang araw na nilang napapansin na nagmamanman sa kanilang tanggapan ang dalawang lalaki.
Noong Biyernes ng gabi, sinira umano ng daÂlawang suspect ang ilaw sa west gate ng BI at pagkatapos ay doon na isinagawa ang panloloob sa ahensiya.
- Latest




















