^

Metro

Alitan sa loob, tinapos sa labas ex-convict dedbol kay kosa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang  pedicab driver na isang ex-convict makaraang saksakin ng dati niyang kosa nang matuloy ang namuong alitan sa piitan hanggang sa kanilang paglaya sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Vicente Dominguez, 30, pedicab driver at miyembro ng Sigue-Sigue Commando at residente   ng  Mata St.,Tondo. Nakatakas naman ang suspect na kinilalang si  Honard Gregorio, alyas Toto, 22, ng  Mata St., sa Tondo.

Sa ulat dakong alas-2:00 ng hapon nang maganap ang insi­dente  sa panulukan ng Daisy at  San Sebastian Sts., sa Tondo.

Nabatid na ang dalawa ay dating magkasama sa piitan at sa loob sila unang nagkaroon ng alitan.

Unang lumaya ang suspect at nang makalabas na ng kulungan si Dominguez, muling nagkita ang dalawa sa kanilang lugar at muling nabuhay ang kanilang alitan sa loob.

Unang nagkasuntukan ang dalawa na naawat naman ng mga tambay, subalit nang maisipang magpahinga sa tambayan ng biktima ay doon na siya tinarakan sa dibdib ng ilang ulit ng suspect bago tumakas.

 

vuukle comment

DOMINGUEZ

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

HONARD GREGORIO

MATA ST.

SAN SEBASTIAN STS

SIGUE-SIGUE COMMANDO

UNANG

VICENTE DOMINGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with