Tatay todas sa lasenggong anak
MANILA, Philippines - Patay ang isang 55-anyos na ama nang saksakin ng lasengÂgerong anak matapos sermunan tungkol sa bisyo nito, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.
Dead-on-arrival sa Valenzuela General HosÂpital ang biktimang si Matias Gabarda, ng Dumlapi Compound, Brgy. Lawang Bato ng naturang lungsod sanhi ng tinamong malalim na saksak sa dibdib.
Agad namang naaresto at nakapiit na sa Valenzuela City Police detention cell ang suspect na si Gerry Gabarda, 22.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:50 ng gabi sa loob ng bahay ng pamilya Gabarda nang umuwing lasing ang suspectÂ. Dahil dito nakatikim ito ng sermon sa kanyang ina.
Gumanti naman ng mura ang suspect sa ina na naÂrinig ng ama na nakahiga na ng mga oras na iyon dahilan upang bumangon ito at kumprontahin ang anak na lapastangan.
Naasar ang suspect sabay kuha ng patalim na nakalagay sa ilalim ng unan at inundayan ng saksak ang sariling ama.
Dinala sa nabanggit na pagamutan ang biktima ng kanyang mga kaanak, subalit hindi na ito umabot ng buhay.
Arestado naman ang suspect nang rumesponÂdeng mga pulis at nakaÂtakdang samÂpahan ng kasong parricide.
- Latest