^

Metro

Kelot dedo sa nakabanggaan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang binata makaraang pagsasaksakin ng dalawang kalalakihan na kanyang nabangga sa  balikat sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Jonhver Ortiz, 28, karpintero, stay-in sa TSD barracks na matatagpuan sa Ermin Garcia St., Brgy. Silangan sa lungsod.

Tugis naman ng awtoridad ang mga suspect na sina Jonathan Rodolfo, 19, laborer, ng Valenzuela City  at Jimmy Mancoba, 30, steelman ng Turayong, Cauyan City, Isabela.

Sa ulat ni SPO1 Greg Maramag, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may TSD construction sa Ermin Garcia St., Brgy. Silangan, Cubao, ganap na alas-2:30 ng madaling-araw.

Bago ang krimen, naglalakad pababa sa hagdan sa na­sabing lugar ang biktima kasama si Allan Malinao at Emilio Castañeda galing sa inuman nang aksidenteng mabangga nila ang suspect na si Rodolfo.

Dahil dito, nagalit si Rodolfo at kinompronta nila ni Mancoba­ ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Sa kainitan ng pagtatalo, biglang nagbunot ng patalim si Rodolfo habang hinawakan naman ni Mancoba ang magkabilang balikat ng biktima, bago ito tinarakan ng saksak ng una.

Matapos ang pananaksak ay sumibat papatakas ang mga suspect habang ang biktima ay isinugod naman sa World City Medical Center pero idineklara rin itong patay.

vuukle comment

ALLAN MALINAO

BRGY

CAUYAN CITY

EMILIO CASTA

ERMIN GARCIA ST.

GREG MARAMAG

JIMMY MANCOBA

JONATHAN RODOLFO

RODOLFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with