^

Metro

Sobrang depresyon, lola hinostage ni lolo­

Ludy Bermudo­ - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinostage ng isang 67-anyos  na lolo ang kanyang asawa, habang armado ng kutsilyo, basag na salamin, isang piraso ng bakal at nagtangka pang sunugin ang kanilang bahay, bunsod umano ng depresyon, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa  ulat ni PO3 Bernardo Barredo, inaresto at isina­ilalim sa medical examination sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang suspect na si  Leandro Reyes, residente ng Estero de Tutuban, malapit sa panulukan ng Quiricada at J. Abad Santos­, Tondo, Maynila habang nagtamo naman ng galos ang misis nitong si Adoracion, 61.

Dakong alas-8:45 ng uma­ga nang humingi ng tulong ang anak ng mag-asawa upang mapigilan umano ang kanilang ama dahil alas-4:00 pa lamang ng madaling-araw nang magwala ito at ikulong sa loob ng bahay ang kanyang ina.

Pagod pa umano sa biyahe mula sa Baguio City ang mag-asawa at nang dumating sa bahay ay nagsimula nang magwala ang suspect.

Bandang alas-9:00 ng umaga nang tangkain pa umanong sunugin ng suspect ang kanilang bahay kaya napilitang umaksiyon ang mga tauhan ng Bambang Police Community Precinct para pasukin at mabilis na dinamba ang suspect  at ni-rescue ang misis.

Posibleng hindi na sampahan ng reklamo ang suspect dahil naiintindihan naman ng pamilya nito na sinumpong lamang ang sakit nito at ipagagamot muli umano kung saan na­ging pasyente ito ng Na­tional Center for Mental Health (NCMH).

vuukle comment

ABAD SANTOS

BAGUIO CITY

BAMBANG POLICE COMMUNITY PRECINCT

BERNARDO BARREDO

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS GENERAL HOSPITAL

LEANDRO REYES

MAYNILA

MENTAL HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with