Transport leader itinumba
MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang lider ng isang transport group makaraang barilin nang maÂlapitan sa ulo ng hindi nakikilalang mga suspect sa loob ng compound ng kanilang kooperatiba sa Parañaque City kahapon ng umaga.
Dead-on-the-spot ang biktimang nakilalang si Edito Ruaya, chairman ng Ninoy Aquino International Airport Service Cooperative.
Sa inisyal na ulat, naganap ang krimen dakong alas-5:45 ng umaga sa loob ng compound ng NAIA Service CoÂoperative canteen na nasa Dr. A. Santos Avenue, ng naÂturang lungsod.
Ayon kay Parañaque Police Chief Sr. Supt. Billy Beltran, dalawang hindi nakilalang lalaki ang pumasok sa compound ng kooperatiba at agad na binaril sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktima habang nasa garahe ito gamit ang kalibre .45 baril.
Agad na tumakas ang mga salarin na posibleng hinihintay ng back-up ng mga ito lulan ng isang motorsiklo.
Nabatid na matagal na umanong nakakatanggap ng mga death threats ang biktima na posibleng may kaugnayan sa pamumuno nito sa kanilang kooperatiba ng mga taxi na bumibiyahe sa ruta ng airport.
Patuloy pa rin naman ngayon ang imbestigasyon sa insidente upang mabatid ang tunay na motibo at mga taong nasa likod ng krimen.
- Latest