^

Metro

Magkaibigan niratrat: 1 patay, 1 sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang binata at nasa kritikal naman na kondisyon ang kaibigan nito matapos na barilin nang ma­lapitan ng hindi pa nakikila­lang suspect kahapon sa Parañaque City.

Nakilala ang nasawi na si Ryan Fuentes, 21, ng Pluto St., Area 7B, 4th Estate, Brgy. San Antonio ng nabanggit na lungsod, nagtamo ito ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang kaibigan nitong si Reynante Barbosa, 27.

Ayon sa ulat,  naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali sa Pluto St., Area 7B, 4th Estate, ng nabanggit na barangay habang magkasamang nakatayo ang mga biktima nang biglang sumulpot ang suspect at walang sabi-sabing binaril ang dalawa.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspect at sumakay sa isang naghi­hintay na motorsiklo.        

Nabatid sa pahayag ni Barbosa sa mga pulis habang  nasa emergency room ito, noong Araw ng mga Puso ay mayroong naganap na party sa kanilang lugar at nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng isang nagngangalang Arnel Bedalla at nagbanta ito na reresbakan sila at papatayin.

 

vuukle comment

ARAW

ARNEL BEDALLA

AYON

PLUTO ST.

REYNANTE BARBOSA

RYAN FUENTES

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with