^

Metro

Indian trader utas sa holdap ng tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang negosyanteng babaeng Indian national matapos na barilin nang malapitan ng tandem na holdaper kahapon ng umaga sa lungsod Quezon.

Si Manpreer Kaur, 32, ay nasawi habang isinusugod sa ospital bunga ng mga tinamo nitong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect lulan ng isang motorsiklong hindi naplakahan.

Nangyari ang insi­dente sa kahabaan ng  Zusuarregue St., Brgy. Old Balara ganap na alas-9:15 ng umaga.

Diumano, kalalabas lamang ng isang eskinita ng biktima kasama ang kanyang mister na si Jasvir Singh para sumakay sa kanilang kotse nang lapitan ng isa sa mga suspect ang una.

Pagkalapit umano ng suspect sa biktima ay tinutukan ito, pero hindi pa man nagdedeklara ng holdap ang una ay mabilis namang hinugot ng huli ang pera sa kanyang bulsa at inabot dito.

Subalit, nang makuha ang pera, hindi pa nakuntento ang suspect at pinagbabaril pa nito ang biktima, hanggang sa duguang bumulagta sa kalye. Matapos nito, mabilis na sumakay ang suspect sa motorsiklo ng kasamahan at humarurot papalayo sa nasabing lugar.

Nagawa pang ma­itakbo sa Malvar Gene­ral Hospital ang biktima, pero idineklara rin itong dead-on-arrival.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

BRGY

DIUMANO

JASVIR SINGH

MABILIS

MALVAR GENE

MATAPOS

OLD BALARA

SI MANPREER KAUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with