Pawnshop inatake ng ‘termites’
MANILA, Philippines - Isang sangay ng Tambunting pawnshop ang pinasok ng umano’y “Termites gangâ€, ang grupo ng mga magnanakaw na gumagawa ng tunnel patungo sa kanilang target na establisimento kung saan natangay ang halos P800,000 halaga ng pera at mga alahas sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Ayon sa inisyal na ulat ng Police Station 12, sa pagitan ng ala-1 hanggang alas-3 ng madaling-araw pinasok ang pawnshop na nasa Industria St., Brgy. Bagumbayan Libis sa lungsod.
Nadiskubre ang nasabing pagnanakaw sa pagpasok ng dalawang babaeng kawani ng sanglaan ganap na alas-8:30 ng umaga at hinihintay na mabuksan ang vault na naka-timing device. Pagkabukas ng vault ay saka bumulaga sa mga kawani na limas na ang mga nakatabing alahas at salapi ng naÂsabing pawnshop habang sa lapag nito ay may butas na pinagdaanan ng nasabing mga suspect.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsisiyasat sa nasabing insidente habang inaalam pa kung saan imburnal pumasok ang mga suspect at nakagawa ng tunnel patungo sa nasabing pawnshop.
- Latest






















