^

Metro

Sa proclamation rally ng partido Ex-campaign coordinator ng LP,binaril sa Quiapo, sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa ligtas nang kalagayan at nakakausap na habang nakaratay sa Medical Center Manila (MCM) ang supporter at dating coordinator ng Liberal Party sa kabila ng dalawang balang tinamo sa dibdib nang barilin ito ng isang hindi pa kilalang lalaki, pagkatapos lamang ng idinaos na proclamation rally ng Team PNoy  sa Plaza Miranda, sa Quiapo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Ito ang kinumpirma ni P/Supt. Ricardo Layug, hepe ng  Manila Police  District (MPD) Station 3, kahapon ng umaga, hinggil sa kondisyon ng biktimang si Yasen Ibrahim, 49, negosyante at  dating administrator ng  Golden Mosque sa Islamic Center, Quiapo.

Dalawang  anggulo umano ang sinisilip nila sa insidente at mismong si Ibrahim ang nagsabi na walang motibong pulitikal sa pamamaril sa kanya dahil hindi naman siya tumatakbong kandidato.

Posibleng may kaugnayan umano sa  money lending business ni Ibrahim, bukod pa sa pagiging administrator ng mosque.

Nabatid na naganap ang pamamaril dakong alas-7:30 ng gabi malapit sa Barbosa-PCP sa  R. Hidalgo St., Quiapo, Maynila.

Tapos na umano ang rally at wala na sa Plaza Miranda si Pangulong Noynoy na nasa bahagi ng south-bound lane, habang  malayo ito sa Plaza Miranda dahil sa kabila o northbound lane nang maganap ang pamamaril.

GOLDEN MOSQUE

HIDALGO ST.

IBRAHIM

ISLAMIC CENTER

LIBERAL PARTY

MANILA POLICE

MAYNILA

MEDICAL CENTER MANILA

PLAZA MIRANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with