^

Metro

Holdaper bagong laya, muling kumana, kalaboso

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa nagtatagal sa paglaya, balik kulungan ang isang kilabot na holdaper makaraang muling mambiktima ng isang lalaki, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Muling nakadetine sa Pasay City Jail ang suspek na si Jessmark Nichols, 20, binata, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang, at residente ng M. Dela Cruz Ext. ng naturang lungsod.

Sinampahan ng kaso ang suspek ng kanyang biktima na si Jeric Resare, 35,  isang hardinero, residente ng  Sitio 2 Block-6, Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City.

Sa ulat ng Pasay City Police, nagpapatrulya sina PO1s Judyric Cadiz, Acapulco Castillo ng PCP-7, nang mapansin na hinoholdap ng suspek si Resare sa tapat ng Lion Club videoke­ bar sa may EDSA dakong alas-2:30 ng madaling-araw.

Agad na nasakote ng mga pulis si Nichols at narekober ang mga gamit na tinangay kay Resare maging ang patalim na gamit sa panghoholdap.

Base sa rekord ng pulisya, kalalaya pa lamang ng suspek nitong nakaraang Lunes dahil sa kasong panghoholdap din nang agad na bumalik sa iligal na gawain.

vuukle comment

ACAPULCO CASTILLO

DELA CRUZ EXT

FORT BONIFACIO

JERIC RESARE

JESSMARK NICHOLS

JUDYRIC CADIZ

LION CLUB

PASAY CITY

PASAY CITY JAIL

PASAY CITY POLICE

RESARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with