^

Metro

Tumawid sa ‘killer highway’, pedestrian utas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pedestrian na pina­niniwalaang may sakit sa pag-iisip ang nasawi ma­tapos mabundol ng isang sa­sakyan habang tumatawid sa may Commonwealth Avenue, lungsod Quezon, kahapon

Ayon sa pulisya, inilarawan ang nasawi na nasa   edad na 35-40, may taas na 5’4”, at nakasuot lamang ng itim na short pants.

Ang biktima ay agad na nasawi sa insidente na nangyari sa may Katipunan Avenue­, Brgy. Escopa, pasado alas-4 ng madaling-araw.

 Kinilala naman ang driver ng sasakyang nakabangga na si Joselito dela Agua, 51, ng Fairmont Subdivision, North Fairview, sa lungsod.

 Nabatid na  minamaneho ni Dela Agua ang kanyang Hyundai Getz (PJQ-831) sa kahabaan ng Katipunan Avenue at patungong Commonwealth Avenue mula E. Rodriguez Sr. Avenue nang biglang sumulpot ang biktima at mabundol niya ito.

Agad namang rumes­ponde ang rescue team mula sa Department of Public Order­ and Safety (DPOS) sa lugar pero patay na rin ang biktima dahil sa tinamong injuries sa katawan.

Bago ang insidente, madalas umanong nakikitang tumatawid ang biktima sa Katipunan Avenue at pinaniniwalaang maysakit sa pag-iisip.

Ang labi ng biktima ay dinala na sa Prime Funeral Parlor para sa kaukulang disposisyon.

COMMONWEALTH AVENUE

DELA AGUA

DEPARTMENT OF PUBLIC ORDER

FAIRMONT SUBDIVISION

HYUNDAI GETZ

KATIPUNAN AVENUE

NORTH FAIRVIEW

PRIME FUNERAL PARLOR

RODRIGUEZ SR. AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with