^

Metro

Karambola ng 4 na sasakyan: 1 patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang motorcycle rider ang nasawi habang malubhang nasugatan naman ang isang babae makaraang magka­rambola ang apat na sa­sakyan, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Patay na nang dumating sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Oliver Sarigumba, 36, ng V. Vizcarra St., ng naturang lungsod, makaraang magtamo ng matinding pinsala sa ulo.  Isinugod rin sa naturang pagamutan ang isang pasahero ng jeep na si Myra Sadang.

Inaresto naman ang driver ng pampasaherong jeep na sinasabing unang nakabangga na si Joel Salabao, 35. Nahaharap ito ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Sa ulat ni SPO1 Ricky Murillo ng Pasay City Police Traffic Investigation Unit, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa kahabaan ng EDSA malapit sa kanto ng C. Jose St. 

Sa salaysay ni Salabao, nawalan umano ng preno ang minamaneho niyang jeep (NYJ-804) kaya nasalpok niya sa likuran ang isa pang jeep (DKP-330) na minamaneho naman ni Crisando Alcarde, 37.

Sa bilis ng patakbo, nahagip rin ng jeep ni Salabao ang motorsiklong minamaneho ni Sarigumba bago sumalpok sa concrete barrier.  Nabatid na tumilapon buhat sa motorsiklo ang biktima saka pumailalim sa isa pang nabundol rin na pampasaherong jeep na minamaneho naman ni Basilio Cas, 36-anyos.

Agad namang sinaklolohan ng MMDA Rescue Unit ang biktima ngunit hindi na umabot­ ng buhay sa paga­mutan.

 

vuukle comment

BASILIO CAS

CRISANDO ALCARDE

JOEL SALABAO

JOSE ST.

MYRA SADANG

OLIVER SARIGUMBA

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE TRAFFIC INVESTIGATION UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with