^

Metro

Brgy. secretary dedo sa sariling boga

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Palaisipan ngayon ng pulisya kung nagpatiwakal o aksidenteng nabaril ng isang barangay secretary  ang kanyang sarili noong Huwebes ng gabi sa Pasay City.

Kamakalawa ng gabi ay binawian ng buhay habang ginagamot sa Pasay City General Hospital (PCGH) si Eduardo Roque, 36, secretary ng Brgy. 121, Zone 12,  Tolentino St., sanhi ng tama ng bala sa kanyang kanang sentido.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay City Police, naganap ang insidente ay noong Huwebes,  dakong alas-10:00 ng gabi sa tapat ng Mary Rose Sari-Sari store, malapit sa bahay ni Roque.

Lumabas sa unang imbestigasyon, naunang nakitang hawak-hawak ng biktima ang isang kalibre .38 baril na hindi lisensiyado na nilalaro umano nito.

Makalipas ang ilang minuto, nakarinig na lamang ng isang malakas na putok ng baril at duguang human­dusay sa kalsada ang biktima.

Sinabi pa ng pulisya na hanggang sa ngayon ay hindi pa nila nakakausap ang pamilya ng biktima hinggil sa insidente at iniimbestigahan pa nila ang naturang kaso kung si Roque ba ay nagpa­tiwakal o aksidenteng nabaril lang nito ang sarili.

vuukle comment

BATAY

EDUARDO ROQUE

HUWEBES

MARY ROSE SARI-SARI

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

TOLENTINO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with