^

Metro

Salpukan ng dalawang bus: 12 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa na namang pampasaherong bus ang nagsal­pukan sa EDSA sa Makati City kung saan 12 katao ang iniulat na nasugatan, kahapon ng umaga sa Makati City.

Sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metrobase, sinabi ni Vincent Lizada na naganap ang aksidente dakong alas-7:20 ng umaga sa may kanto ng EDSA at Buendia sa naturang lungsod nang magbanggaan ang isang Ralph Benz bus at isang Precious bus.

Rumesponde naman sa aksidente ang MMDA Rescue Unit at agad na isinugod sa Ospital ng Makati ang 12 biktima na pawang mga pasahero ng Precious bus na patungong Ayala.

Ayon sa tsuper ng Ralph Benz bus na biyaheng Bac­­laran na si Fidel Inage, na­walan siya ng preno kaya diretso niyang nabangga sa likuran ng sinusundan na Precious bus.

Nakatakdang sampahan ngayon ng kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries si Inage.  Nagdulot naman ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa naturang bahagi ng EDSA ang aksidente na umabot pa hanggang Timog Avenue sa Quezon City.

vuukle comment

AYALA

FIDEL INAGE

MAKATI CITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

RALPH BENZ

RESCUE UNIT

TIMOG AVENUE

VINCENT LIZADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with